-- Advertisements --
Inilagay na naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon ngayong Sabado.
Ito ay dahil pa rin sa manipis na suplay ng kuryente.
Epektibo ang naturang yellow alert dakong alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga; ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at alas-6:00 hanggang alas-8:00.
Ayon sa NGCP ang available capacity ng Luzon grid ay 11095 MW pero ang peak demand ay 10300 MW.