-- Advertisements --

Naglabas ng alerto ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ukol sa posibleng kakapusan ng koryente ngayong araw.

Nabatid na tumataas ang gamit sa electrical appliances dahil sa mainit na panahon.

Ayon sa kanilang abiso, yellow alert ang umiral mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Red alert naman mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon.

Babalik ito sa yellow alert sa ganap na alas-4:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang available capacity ng Luzon ay 11,729MW, habang ang peak demand naman ay 11,514MW.

Sa panahon ng red alert, posibleng may mga lugar na magpatupad ng rotational brownout.