-- Advertisements --
Inulan ng bomba ang lungsod ng Odessa sa Ukraine.
Ayon sa city council ng Odessa na gumamit ng tatlong cruise missiles ang Russia mula sa kanilang Tu-22 bomber.
Dahil sa insidente ay nasira ang limang gusali at dalawang katao ang nasugatan.
Gumamit din ang Russia ng apat Onyx cruise missiles.
Hinala ng mga otoridad sa Ukraine na ang target ng insidente ay ang residential at industrial area.