Ipinagdiwang ng Lungsod ng Maynila ang ika-79 na anibersaryo ng Battle for Manila, paggunita sa 100,000 buhay na nasawi noong World War II battle.
Pinangunahanni Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan ang seremonya at kasama ang mga ambassador mula sa United States of America, Canada, New Zealand, People’s Republic of China, United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland, Australia, at United Mexican States.
Nagbigay-galang sila sa Plazuela de Santa Isabel, kung saan itinayo ang Monumento ng Memorare Manila bilang pag-alala sa digmaan noong 1945.
Ayon kay Lacuna-Pangan, ang paggunita ay isang oportunidad upang hindi na kailanman maulit ang digmaan, yakapin ang mabuting ugnayan sa pagitan ng mga tao at bansa, at “upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapanatili ang kapayapaan sa lahat ng sulok ng mundo.”
Dumalo rin sa seremonya ng wreath-laying ang mga lider mula sa Armed Forces of the Philippines, National Historical Commission of the Philippines, Intramuros Administration, at Memorare Manila 1945.
Dumalo rin sa pormal na seremonya ang mga miyembro ng diplomatic corps, Manila local officials, department heads, at mga estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Ang Pebrero 1945 ay tinaguriang “Liberation of Manila,” na nangangahulugan ng pagtatapos ng pananakop ng militar ng Hapon sa Pilipinas.
Ang mga American at Filipino troops ay nakipaglaban sa mga Hapones, na sumakop sa lungsod noong 1942 kasunod ng pag-atake sa Pearl Harbor noong Disyembre 1941.