-- Advertisements --

Agad pinuna ni Sen. Panfilo Lacson ang lump-sum appropriations na nakita nitong nakapaloob sa 2021 proposed national budget.

Ayon sa mambabatas, posibleng may paglabag sa batas ang taunang pondo, kung kanilang palalagpasin ang ganitong sistema.

Partikular na tinukoy ni Lacson sa Development Budget Coordinating Committee (DBCC) briefing ang lump-sum fund na nakalaan umano para sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nangako ito na sa mga susunod na araw ay ilalahad niya ang panukalang amyenda sa taunang budget para mailalaan ng tama ang P4.506 trillion annual fund.