-- Advertisements --

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga lumalabag sa pinaiiral na gun ban kaugnay ng halalan sa bansa.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) umabot na ito sa 3,308 matapos mahuli ang karagdagang 14 na violator kahapon.

Sa nasabing bilang, 3, 176 ang sibilyan, 61 ang security guards, 23 ang miyembro ng PNP, 12 ang tauhan ng AFP at 26 ang iba pang violators.

Pinakamarami sa mga nahuli ay sa NCR, sinundan ng Region 7, Region 4-A Region 3 at Region 6.

Nakumpiska sa mga ito ang 2, 561 na baril.

Nagsimula ang gun ban noong January 9, 2022 na tatagal ang gun ban hanggang June 8.