Tinalo ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Lakers 119-115 sa double-overtime game.
Bumida sa panalo ng Mavs si Luka Doncic na nagtala ng 35 points, 14 rebounds at 13 assists.
Ito na ang pang 10 triple double na naitala ni Doncic.
Nag-ambag naman ng 24 points at 14 rebounds si Christian Wood habang mayroong 22 points si Tim Hardaway Jr para sa Mavs.
Unang naitabla ni Doncic sa 101-101 sa last quarter ng maipasok ang 3-points nito sa natiting anim na segundo kaya isinagawa ang unang overtime.
Muli na naman niyang naipasok ang three points shot niya sa natitirang 47.8 seconds at naitabla sa 108 ang puntos kaya dinala ang ikalawang overtime.
Nasayang naman ang nagawang 24 points, 16 rebounds at anim na assists ni Lakers star LeBron James at 28 points naman ni Russell Westbrook.