-- Advertisements --

Matagumpay na binuksan ng Colombia ang kanilang kampanya sa FIFA World Cup 2026 matapos dominahin ang bagitong team na Uzbekistan, 3-1, sa laban na ginanap sa Mexico City Stadium.

Kontrolado ng Los Cafeteros ang laban sa pangunguna ng star player nitong si Luis Díaz.

Sa ika-apatnapung minuto (40′) ng unang bahagi, nagpasok ng isang goal ang Colombian player na si Daniel Muñoz matapos saluhin ang isang magandang pasa mula kay Díaz.

Agad namang gumanti ang Uzbekistan.

Sa ika-animnapung minuto (60′), gumawa ng kasaysayan si Abbosbek Fayzullaev nang maipasok niya ang pinakaunang goal ng Uzbekistan sa kasaysayan ng World Cup, daan upang tuluyang mai-tabla ang laban sa 1-1.

Hindi naman hinayaan ng Colombia na magtagal ang selebrasyon ng kalabang koponan at pagkalipas lamang ng limang minuto (65′) mismong si Díaz na ang umiskor para bawiin ang bentahe.

Sa huli, sinelyuhan ng Colombia ang panalo sa pamamagitan ng isang header sa pamamagitan ng goal ng substitute na si Jaminton Campaz sa ika-siyamnapu’t siyam na minuto (90+9′) ng stoppage time.

Dahil sa panalong ito, solong pinamumunuan ng Colombia ang Group K taglay ang tatlong puntos, habang nagpapatuloy ang group stage sa pagsisimula ng FIFA World Cup 2026.