CAUAYAN CITY – Nilinaw ng Land Transportation Office Region 2 na wala silang masamang intensiyon sa paglalagay ng Special o priority Lane para sa LGBT Community.
Ginawa nila ang kanilang paglilinaw makaraang umani ng negatibong komento ang paglalagay ng LGBT priority lane.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Manny Baricaua ng Land Transportation Office Region 2 na bilang bahagi ng kanilang gender and development program ay idinagdag nila ang Special o priority Lane para sa LGBT Community bukod sa mga naunang priority lane para sa mga Senior Citizen, Persons with Disability at pregnant women.
Dahil sa umani ng negatibong komento ay nakatakda na nilang alisin ang Special o priority Lane para sa LGBT Community.
Nilinaw ni Assistant Regional Director Baricaua na walang malisya sa paglalagay nila ng priority Lane para sa LGBT Community at nais lamang nilang I-promote ang gender equality project ngunit mayroon silang nasaktang sector kayat humihingi sila ng paumanhin.