-- Advertisements --
Vigor Mendoza LTO

Plano ng Land Transportation Office na ipanukala sa Kongreso na magkaroon ng partikular na parusa para sa mga indibidwal na sangkot sa road rage incidents.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, hindi lamang simpleng paglabag sa Republic Act 4136 o reckless driving ang matinding away sa kalsada kundi kailangan talaga ng specific penalty.

Ikinokonsidera din ng ahensiya na gawing requirements sa mga aplikante ng driver’s license ang pagbubunyag kung nagmamay-ari sila ng baril o hindi.

Sjnabi pa ng LTO official na nakikipagtulungan na sila sa Philippine National Police Highway Patrol Group sa profiling ng mga indibidwal na sangkot sa road rage incidents.

Matatandaan na ilang insidente ng road rage o away kalsada ang napaukat sa bansa kamakailan kabilang dito ang dating pulis na nagkasa ng baril at nananakitbsa isang siklista.