-- Advertisements --
LTO BOMBO

Inendorso na ng Land Transportation Office (LTO) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Vintage Vehicle Regulation Act na nagpapahintulot sa paggamit ng vintage vehicles na papasa sa safety at roadworthiness guidelines ng ahensiya.

Una ng sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na hindi lamang matitiyak ang preserbasyon ng mga cultural at historical value ng vintage vehicles kundi magtatakda rin ito ng standards na susundin kung paano panatilihin, ibalik, irehistro at gamitin ang mga ito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11698, ang vintage vehicle ay tumutukoy sa anumang motor vehicle na nasa 40 taon na mula sa petsa na ito ay ginawa at hindi nabago sa orihinal na anyo ang katawan ng sasakyan ay subject sa ilang exceptions.

Base sa IRR na epektibo sa Abril 17, ang LTO ay maaaring magpatupad ng minimum standards sa pag-inspeksiyon ng vinatge cars na magsisilbi bilang guidelines para sa mag-ari at repair shops kabilang ang pinayagang modifications.

Ang LTO at mga personnel nito ay awtorisadong magsagawa ng random roadside inspection sa mga vintage vehicles sa mga pampublikong kalsada at highways para sa kaligtasan na rin ng publiko at responsableng ownership.

Pinapayagan din sa IRR ang pagpaparehistro ng vintage vehicles sa LTO kabilang ang mga nawala ang mga papeles may kinalaman sa pagmamay-aring sasakyan at restamp identification serial numbers sa kondisyon na nakapagsumite ng documentary requirements at motor vehicle inspection report.