-- Advertisements --
Magsasagawa ng partial release ang Land Transportation Office (LTO) ng mga plaka ng sasakyan.
Ayon sa LTO, na sisimulan nilang ilalabas ang mga sasakyan na narehistro na mula Enero hanggang Hunyo 2016.
Pinayuhan din nila ang mga registered owner na tignan sa kanilang webite na www.lto.net.ph kung kasama ang kanilang plaka ng sasakyan na irerelease ngayong araw.
Magugunitang noong Marso ay bumili ang LTO ng license-plate making robot para mabawasan ang backlog ng mga plaka na nasa walong milyon mula pa noong 2014.










