-- Advertisements --

LTO1

Nagsagawa ng roadworthy inspection sa mga Public Utility Bus (PUB), Public Utility Vehicles (PUV), at private vehicles sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mga enforcer ng LTO sa pangunguna ng Law Enforcement Service (LES).

Ito ay upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa daan ngayong Semana Santa.

Siniguro ng law enforcement unit ng LTO na tanging ang mga sasakyang roadworthy lamang ang makakabiyahe.

Sumailalim naman sa Random Alcohol Test ang mga PUB drivers upang makasigurong ligtas at maayos na makarating ang mga pasaherong lulan ng mga ito.

Ang nasabing test ay alinsunod sa RA No. 10586 o mas kilala sa The Anti-Drunk and Drugged Act.

Nagtalaga rin ng Malasakit Help Desk ang mga enforcers upang maayos na maipakalat ang mga impormasyon, at adbokasiya ng LTO.

Isang road crash incident din ang nirespondehan ng mga enforcer sa Lawang Bato, NLEX, na nagdulot ng masikip na pagdaloy ng trapiko kahapon.

Siniguro ng LTO sa publiko na patuloy sila na magsasagawa ng operasyon upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa daan.

Kaisa ng sambayanang Pilipino ang LTO sa paggunita ng maayos at mapayapang Semana Santa.