Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) sa mga car at motorcycle dealers sa buong bansa na isama ang license processing sa kanilang shops bilang parte ng hakbang para maimulat at ma-empower ang mga owners sa kanilang karapatan bilang mga kustomer.
Ayon kay LTO chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade dapat na maipakita ang step-by-step processes kasama na dito ang pag-isyu ng Certificate of Registration (CR) at Official Receipt (OR) at pag-iisyu ng mga plaka.
Saad pa ni Tugade na inisyu na ang memorandum kaugnay sa naturang kautusan kung saan ang mga dealer ay mandatong i-paskil ang vehicle registration processing time sa nakikitang lugar sa kanilang shops para makita ng publiko.
Nakapaloob sa memorandum ang limang steps para sa vehicle registration process. Una, ang ang belonging ng kliyente ay dapat na maproseso sa loob lamang ng isang araw. Pangalawa, ipoproseso ng dealer ang requirements at kukumpletuhin sa loob ng dalawa o tatlong araw. Ikatlo, ang pagproseso sa sales at reporting at initial registration ay dapat matapos sa loob ng isa hanggang dalawang araw.
Pagkatapos ay ang LTO na ang bahala para sa pagpaparehistro ng motor vehicle , pagiisyu ng certificate of registration at plate number sa dealer bilang panguling step saka naman tatawagan ng dealer ang may-ari para i-claim ang certificate of registration at plate number ng minsanan na inisyu ng LTO.