-- Advertisements --
image 442

Naka-standby na ang Land Transportation Office (LTO) sa kanilang law enforcement service personnel para sa road safety at traffic management duties para sa pagho-host ng bansa ng International Federation Basketball (FIBA) World Cup 2023 simula sa Biyernes, Agosto 25.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na inatasan niya ang mga opisyal ng ahensya mula sa Central Office na makipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pag-secure ng mga kalsadang patungo at pabalik sa tatlong pangunahing lugar ng pinakaaabangang basketball event.

Aniya, kilala ang mga Pilipino sa kanilang pagmamahal sa basketball kaya inaasahan ng LTO na maraming tao ang pupunta sa mga venue.

Lalo na aniya na sa mga nakatakdang play date ng Philippine team.

Dagdag dito, si Francis Almora, director ng LTO Law Enforcement Service (LES), ay naganunsyo na lahat ng patrol cars at patrol motorcycles ay ipapakalat at naka-standby para sa pag-escort sa mga manlalaro at opisyal ng FIBA.

Gayundin na pinaghahandaan ang traffic management at iba pang tungkulin na itatalaga sa LTO.

Sinabi niya na ang kanilang mga tauhan ay tutulong sa pagbibigay ng mga road security escort para sa mga manlalaro mula sa kanilang mga hotel at sa mga venue.

Una na rito, ang FIBA ​​World Cup 2023 ay magsisimula sa Agosto 25 at tatagal hanggang Setyembre 10.