-- Advertisements --
Isinisi ng Land Transportation Office (LTO) sa kanlang IT provider ang naging aberya sa kanilang registration site sa main office sa Quezon City.
Ito ang naging reaksyon ng LTO matapos na ulanin sila ng reklamo dahil sa maraming mga hindi nakapagparehistro ng kanilang sasakayan dahil sa aberyang mula sa LTO.
Nagkaroon ng malawakang off-line ang kanlang computer system na naging sanhi ng pagbabagal ng sistema at naantala ang transaksyon ng maraming mga nagpaparehistro.
Tiniyak ng LTO na kanilang tutugunan ang nasabing problema para mapabilis ang pagbibigay nila ng serbisyo.
Bukod aniya kasi sa kanilang main office ay nakaranas din ng aberya ang mga iba’t-ibang opisina ng LTO sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.