-- Advertisements --
road rage incident

Dapat na magpatupad nang mas mahigpit na regulasyon at parusa ang Land Transportation Office (LTO) na may kinalaman sa mga insidente ng road rage.

Ito ang naging pahayag ni Senador Raffy Tulfo at Senate President Juan Miguel Zubiri kasunod na rin ng talamak na insidente ng road rage sa bansa.

ISinumite ni Tulfo at Zubiri ang Senate Resolution No. 769 matapos na kumalat ang video ng isang dating pulis na nanakit at binunutan pa ng baril ang isang siklista sa Quezon City noong Aug. 27.

Ayon sa inihaing resolusyon, kabilang sa parusa ang pagpapawalang-bisa at permanenteng pagbabawal sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) para sa mga indibidwal na napatunayang nagkasala.

Binigyang-diin nila na ang LTO at ang mga kinauukulang ahensya ay dapat magtulungan upang magtatag ng isang komprehensibong sistema para ma-monitor ang mga indibidwal na sangkot sa insidente ng road rage.

Ang mga nasabing indibidwal ay dapat pagbawalan na kumuha o mag-renew ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Hinimok din nina Tulfo at Zubiri ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na makipagtulungan sa mga mental health professionals upang magbigay ng counseling at anger management interventions para sa mga indibidwal na guilty sa road rage offenses.

Top