-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Binigyan ng bagong direktiba ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na magpatrolya na at huwag lang tumambay sa border control points ang mga enforcers.

Kasunod ito ng maraming reklamo pa ring natatanggap sa nakakalusot na colorum vehicles sa kabila ng hinigpitang restrictions.

Depensa ni LTO Bicol Regional Director Francisco Ranches Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, may countermoves rin ang mga colorum na may sariling “tipsters”.

Halos wala umano kasing dumadaan kapag nasa lugar ang team kaya “roving” na ang kanilang anti-colorum drive.

Samantala, iniimbestigahan na rin ang mga alegasyon ng kotongan laban sa mga enforcers.

Aniya, limitado lamang ang enforcers kaya madaling tukuyin kung sino ang inirerekkamo habang namamanmanan din ang mga aksyon at paghuli sa mga violators dahil sa suot na body cameras.

Sa ngayon, pumalo na sa 183 ang colorum vehicles na nahuli ng LTO Bicol sa inilatag na border control points.