Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko ukol sa iligal na paggamit ng mga unauthorized commemorative license plates.
Ayon kay LTO Chief Jose Arturo Tugade, na mahaharap ang mga ito karampatang kaparusahan dahil sa paggamit ng hindi otorisadong commemorative license plates.
Paglilinaw nito na wala silang iniisyu na anumang uri ng commemorative license plates para sa pampribado man o pampublikong sasakyan.
Mahigpit aniyang ipinagbabawal aniya sa batas ang nasabing paggamit ng hindi otorisadong license plates.
Ang mga commemorative plates aniya ay limitado lamang sa mga araw na mayroong mahalagang obserbasyon at ito ay valid lamang ng hanggang isang taon.
Base sa batas na mayroong multang P5,000 at pagkumpiska ng nasabing iligal na plaka.