Pansamantalang nagdagdag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdag na 42 buses na dadaan sa EDSA Carousel para maibsan ang mahabang pila tuwing rush hours.
Ang nasabing mga bus na nagsimulang ipakala noong Lunes ay magtatapos hanggang Enero 16.
Tatakbo ng 12 oras ang mga 42 buses mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi na ito ang sasalo sa 20-oras na pasada ng mga regular buses na mula alas-4 ng umaga hanggang hatinggabi.
Dagdag naman ng LTFRB na ang mga bus ay hindi galing o mga kasapi ng dalawang malaking bus consortiums na nag-ooperate sa EDSA Busway Carousel.
Sinabi naman ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na kaya nagkulang ang mga bumabiyaheng bus sa EDSA Carousel ay dahil nagbawas ang kumpanya ng bus ng kanlang drivers mula ng tumama ang COVID-19.