-- Advertisements --
Sisimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB sa darating na Nobyembre 10 ang pamamahagi ng special permit sa mga bus para sa Christmas Season.
Ayon sa LTFRB na magtatapos ang kanilang pagtanggap ng applications ng hanggang Nobyembre 21.
Ang nasabig special permit ay magsisimula mula Disyembre 23 haggang Enero 3, 2026.
Layon ng special permits ay payagan ang mga bus na bumiyahe sa probinsiya dahil sa inaasahang pagdami ng mga pasahero tuwing Christmas Season.
Ilan sa mga requirements ay dapat ang mga unit ay hindi mahigit 14 taon na mula sa petsa kung kailang ito ginawa at dapat ilagay ang terminal kung saan maglalagi ang bus.















