Ipinagpapaliwanag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa 20 pampasaherong jeep sa Angeles, Pampanga na nakibahagi sa tigil pasada noong nakaraang linggo.
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na kapag napatunyan na tumigil sila ng pagpapasada ay maaring masuspendi ang kanilang prankisa.
Paliwanag pa nito na noong nabigyan ang mga jeepney operators ng prankisa ay tinanggap nila ang responsibilidad na ikonsidera ang karapatan ng ibang tao bago isulong ang kanilang freedom of expression.
Nakatanggap din aniya itong mga ulat ng pang-aabuso sa mga operators ng electric jeepneys kung saan binutas ang mga gulong nila.
Umapela rin ito sa mga nagpaplano ng tigil pasada na huwag puwersahin ang iba paera lumahok sa kanilang tigil pasada.
Magugunitang nagbanta ang ilang transport group na magsasagawa muli ng tigil pasada kapag itinuloy ng gobyerno ang planong pag-phaseout sa mga traditional jeepney.