Pinalawig pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa special permit ng mga binuksang ruta.
Sa abiso ng LTFRB, maaari pang mag-apply ng special permit ang mga bus operators hanggang sa katapusan ngayong buwan.
Inihayag din ng ahensya na valid at epektibo na ang mga naunang naisumiteng aplikasyon kahit wala pang SP, basta’t may hawak na itong received copy Land Transportation Office (LTO); at Valid Personal Passenger Accident Insurance.
Kung maalala, nasa 33 ruta ng PUBS ang binuksan ng LTFRB simula noong Aug. 18, na bahagi ng paghahanda sa balik-eskwela ng mga estudyante.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa 3,000 bus units na ang binigyan ng SP para maka-operate sa mga binuksang ruta.