-- Advertisements --
Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para sa special permits sa additional bus units na bibiyahe ngayong kapaskuhan.
Ayon kay LTFRB executive director Robert Peig na nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya para magbigay din ng seguridad sa mga terminals.
Inaasahan kasi ng LTFRB na tataas ang bilang ng mga babiyahe at uuwi ng probinsiya ngayong panahon ng kapaskuhan.
Dahil sa inaasahan nilang “exodus” sa holiday season ay nakipag-ugnayan sila sa PNP, Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) , Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ibang mga local government units.