-- Advertisements --

Binalaan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief Teofilo Guadiz III, ang mga jeepney drivers na magbabalak na lalahok sa tigil pasada sa Hulyo 24.

Sinabi ng opisyal na mayroong karampatang kaparusahan ang sinumang drivers ng pampasaherong jeep na lalahok sa nasabing tigil pasada.

Ilan sa mga mabigat na kaparusahan ay ang pagtanggal ng kanilang prankisa para makapasada.

Magugunitang nagmatigas ang transport group na Manibela sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Mar Valbuena na itutuloy nila ang tatlong araw na Tigil Pasada na magsisimula sa Hulyo 24 kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.