-- Advertisements --
Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na lagi silang nakahanda sa anumang banta ng tigil pasada mula sa mga transport group.
Sinabi ni LTFRB Spokesperson Celine Piolago na agad silang makikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya sakaling ituloy ng mga transport group ang pinaplanong transport strike.
Gaya aniya sa mga nagdaang transport strike ay magpapakalat sila ng mga libreng sakay.
Magugunitang nagbanta ang grupong MANIBELA na sila ay magpapatupad ng tigil pasada sa Disyembre sakaling ituloy ng gobyerno ang pagphaseout sa mga traditional jeeps sa bansa.