-- Advertisements --
Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pa nila nakukulekta ang P10 milyon na multang ipinataw sa ride-hailing app na Grab.
Kasunod ito sa alegasyon ng ilang grupo na maluwag ang ahensiya sa nasabing kumpanya kahit na limang taon na ang nakakalipas ng maging final and executory na ang kautusan.
Ipinakita naman ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang resibo na nagpapatunay na nakulekta na nila ang nasabing multa mula sa Grab.
Paglilinaw pa ng opisyal na wala silang pinapaburan na mga kumpanya at nananatiling patas ang pagtrato nito sa bawat pampublikong sasakyan.