-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung bakit hindi pa sila nagpapatawag ng pagdinig sa petition ng ilang transport group na P5 dagdag pasahe.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na hanggang maging stabilized na ang presyo ng mga langis ay hindi pa sila magsasagawa ng pagdinig.

Dagdag pa nito sa mga nagdaang mga linggo kasi ay nagkaroon ng taas-baba ng presyo ng mga produktong petrolyo kaya minabuti nilang huwag munang magsagawa ng pagdinig sa hirit na taas pasahe.

Magugunitang naghain ang may tatlong transport group noong Agosto na humihiling ng dagdag na P5 sa minimum fare dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Pagtitiyak naman ni Guadiz na maaring sa buwan na ng Disyembre isasagawa ang nasabing pagdinig sa hirit na taas pasahe.