Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab Philippines ng limang araw para magsumite ng datus sa bilang kung ilang beses silang naniningil ng minimum base fare na P85 sa mga malalapit na biyahe lamang.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ito ang naging resulta ng pagpupulong nitong Huwebes bago nila pagdesisyunan ang nasabing usapin.
Inaasahan niya na sa unang linggo ng Pebrero ay mailalabas nila ang desisyon laban sa nasabing kumpanya.
Paglilinaw nito na hindi lamang dumedepende sa isang kumpanya ang pagkakaroon ng ‘surge’ dahil sa lamang sa suplay and demand at sa halip ay andiyan ang gobyerno para tumingin kung nararapat bang magkaroon ng taas singil sa pamasahe.
Umaasa naman si Atty. Ariel Inton ang pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection Group na dapat mapanagot ang Grab dahil sa hindi makatarungan ang nasabing ‘surge’ charge nila.
Ang nasabing grupo kasi ang nagreklamo laban sa Grab dahil sa labis na paniningil noong panahon ng Kapaskuhan.