-- Advertisements --

Itinalaga na bilang Officer – in – Charge ng Philippine National Police (PNP) ang Deputy Chief for Administration nito na si P/LtGen. Guillermo Eleazar.


Ito’y matapos magpositibo sa COVID- 19 virus si PNP Chief P/Gen. Debold Sinas.

Ayon kay Eleazar, kahit naka-isolate ang PNP Chief ay tuloy-tuloy aniya ang kanilang ugnayan para gabayan siya sa mga mahahalagang gawain.

Kasabay nito, hinikayat ni Eleazar ang buong hanay ng PNP at ang sambayanang Pilipino na isama sa panalangin si Gen. Sinas para sa mabilis nitong paggaling.

-- Advertisement --

Samantala, muling binigyang diin ng pamunuan ng PNP sa mga tauhan nito at sa publiko na mahigpit na sundin ang itinakdang safety protocols upang maiwasan ang COVID 19.

” Right now, the Chief PNP is doing well and I am in constant communication with hm for consultation, especially on matters that require his attention and guidance,” pahayag ni Eleazar.