-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Lt. General Roy M. Galido bilang bagong commanding general ng Phlippine Army.
Ayon sa Department of National Defense, na si Galido ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1990.
Siya ang commander ng 6th Infantry Division at ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines.
Lubos ang tiwala ng DND sa kakayahan ni Galido dahil sa mga tagumpay nito sa mga nagdaang posisyon nito sa Mindanao.
Matitiyak aniya na sa kaniyang pamumuno ay mababantayan ang seguridad ng bansa laban sa anumang banta.