-- Advertisements --
Eleazar pnp checkpoint
Lt. Gen. Guillermo Eleazar

Itinalaga ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases si PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang commander ng Joint Task Force COVID Shield.

Ang JTF COVID Shield ay nilikha para magpatupad ng mga direktiba ng IATF-MEID kaugnay ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang maging mas maayos ang sistema sa mga ipinaiiral na patakaran.

Ang JTF COVID Shield ay binubuo ng mga opisyal ng PNP, AFP at Phil. Coast Guard.

Nitong araw muling naglibot si Eleazar sa iba’t ibang checkpoints sa Metro Manila upang masiguro na maayos na ang pagpapatupad ng Enhanced Community Qurantine (EQC) pagkatapos ng mga isinagawang “adjustments.”

Magugunitang sa unang araw ng ECQ ay nagresulta ang mga checkpoint sa matinding trapik at pagka-stranded ng maraming commuters sa daan.

Dahil dito nagpatupad ng mga pagbabago ang PNP kabilang ang paglalagay ng special lane para sa mga cargo trucks at health and service workers upang maiwasan ang pagkaabala ng mga ito.

Una nang binigyang diin ni Eleazar na kailangang istriktong ipatupad ang mga checkpoint procedures kung hindi ay balewala ang pagpapatupad ng ECQ.