-- Advertisements --
Itinanggi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magkakaroon ng taas singil sa pasahe sa LRT-1 and 2.
Sinabi ni LRTA Administrator Hernando Cabrera, na mayroong mga petisiyon sa pagtaas ng pasahe subalit dadaan pa ito sa mahabang proseso.
Inihalimbawa nito ang taas pasahe noong 2015 na umabot sa mahigit isang taon bago ito maaprubahan.
Humihirit kasi ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang private operator ng LRT-1 ng P16.00 na boarding fee at pasahe na P1.50 sa kada kilometro.
Hindi naman nito binanggit kung magkano ang hirit na taas pasahe sa LRT-2.