Nakahanda na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na simulan ang pagtatayo ng extension ng Light Rail Transit line 2 (LRT-2) hanggang sa port area ng Maynila.
Ito’y habang hinihintay ang mga dokumento ng budget para sa P10.1 billion na proyekto.
Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera, handa na ang ahensya na buksan ang bidding para sa mga contractor na interesadong magtayo ng LRT-2 West Extension Project.
Aniya, kapag naibigay na raw sa kanila ang multi-year obligation authority, sisimulan na kaagad ng ahensya ang bidding para sa nasabing proyekto.
Sinabi ni Light Rail Transit Authority chief Cabrera na ang LRT-2 West Extension Project ay magdadagdag ng limang kilometro mula sa dulo ng viaduct ng Recto Station.
Ang proyekto ay iminungkahi na magkaroon ng mga station sa Tutuban, Divisoria, at Pier 4.
Ang bidding ay maaaring tumagal ng tatlo hang