-- Advertisements --

Mag-aalok ng libreng sakay para sa veterans ang mga pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 at Metro Rail Transit Line 3 simula bukas hanggang sa susunod na linggo.

Ito ay bahagi ng obserbasyon ng Philippine Veterans Week mula Abril 5 hanggang Abril 11, 2024.

Kinakailangan lamang na mayroong magpakita ang mga kwalipikadong mananakay ng identification card ng Philippine Veterans Affairs Office upang makapag-avail sa naturang libreng sakay.

Bukod dito ay maaari rin ma-enjoy ng isa sa kanilang companion ang alok na libreng sakay ng naturang railway.

Ayon sa LRT2 at MRT3, ang alok na libreng sakay na ito ay bahagi ng kanilang pagbibigay-pugay at pagkilala sa mga sakripisyo ng mga veterans noong World War II.