LRT1 , muling binuksan ang Roosevelt Station at nag-adjust ng train service hours ngayong araw (loop: lrt / LRMC Chief Operating Officer Rolando Paulino III)
Tiniyak ng pamunuan ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) kasunod ng muling pagbubukas ng Roosevelt Station.
Kung maalala, dalawang araw na sinuspindi abg operasyon ng LRT dahil sa integration ng area sa ilalim ng Alstom signaling system.
Ayon kay LRMC Chief Operating Officer Rolando Paulino III nagsagawa rin sila ng adjustment sa train service hours ng Light Rail Transit Line 1 epektibo ngayong on Monday, December 5, 2022.
Sa inilabas na statement, inanunsiyo rin ng LR-1 ang pagbabago sa train service schedule.
Sa ngayon ang huling tren sa Baclaran Station ay aalis na dakong alas-10 ng gabi sa weekdays at alas-9:30 naman kapag weekends at holidays.
Ang huli namang train mula sa Roosevelt ay aalis dakong alas-10:15 ng gabi kapag weekdays at alas-9:45 ng gabi kapag weekends at holidays.
Kung maalala, ang LRMC ang namahala sa operations at maintenance ng LRT1 noong 2015.
Kasama sa kanilang proyekto ang pag-extend ng rail line hanggang Cavite.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, ima-manage ng LRMC ang LRT-1 sa loob ng 32 taon at dudugtungan ang linya mula 11.7 kilometers sa 32.4 kilometro mula sa kasalukuyang 20.7 kilometro.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang buwan na ang operasyon ng LRT extension ay magsisimula na sa September 2024.