-- Advertisements --
lrt2

Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 1 na magiging operational lamang ito ng kalahating araw sa Agosto 20, para sa pagpapabuti ng kanilang signaling system.

Sa isang advisory, sinabi ng Light Rail Manila Corporation na suspendihin ang operasyon mula m alas-4:30 ng umaga hanggang alas-11:59 ng umaga.

Ang unang tren mula sa LRT-1 Baclaran at Roosevelt Stations ay idedeploy alas-12 ng tanghali at ang schedule para sa mga huling tren nito ay hindi magbabago sa alas 9:30 at alas-9:45 ng gabi.

Kabilang dito ang pag-install ng bagong software baseline sa kasalukuyang operating signaling system upang maging ganap na katugma sa LRT-1 Cavite Extension software baseline at mapadali ang kinakailangang test at commissioning ng system.

Ayon sa pamunuan, ang pag-upgrade ng signaling system ay inaasahang hahantong sa buong cut over para sa extended signaling system mula sa kasalukuyang LRT-1 Roosevelt Station sa Quezon City hanggang sa Dr. Santos Station sa Paranaque City o sa dulong station sa LRT-1 Cavite Extension – Phase 1.

Ang signaling system ay ang nagkokontrol at sumusubaybay sa operasyon ng mga tren.