Good news sa mga miyembro ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Riders Club dahil puwede na nilang ma-enjoy ang extended shuttle service route mula Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) hanggang Makati City at vice versa.
Sa statement na inilabas ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator at maintenance provider ng LRT-1, sinabi nitong ang service ay available para sa exclusive na paggamit ng LRT-1 Riders Club members sa pamamitan ng GETPASS mobile application (app).
Extended ang shuttle service route sa Circuit Makati kasama ang LRT-1 Gil Puyat Footbridge na pupunta sa Makati Central Business District at Ayala Malls Circuit bilang karagdagang designated loading/unloading points.
Inilunsad ang shuttle service noong buwan ng Marso at sa kasalukuyan ay tumatakbo sa LRT-1 Edsa Station at Manila Bay Aseana area na mayroong loading at unloading points sa Macapagal Boulevard patungong PITX.
Sa pamamagitan nang pakikipag-partner sa Global Electric Transport (GET) Philippines ang feature ng shuttle service ang Community Optimized Managed Electric Transport (COMET), isang air-conditioned, fully-electric minibus na mayroong capacity na 30 pasahero at mayroong travel range na 100 kilometers sa isang charge.
Ang service ay libre para sa lahat ng LRT-1 Riders Club members mula Hunyo 15 hanggag 30.
Sa mga gusto namang makalibre ng pamasahe ay puwede nilang i-download at mag-sign up sa pamamagitan ng GETPASS app.
Sa mga miyembro naman, kailangan lamang iprisinta ang GETPASS App kapag sasakay sa COMET minibus para maka-avail ng limited-time offer.
Matapos naman ang free period, puwedeng namang bumili ang mga LRT-1 Riders Club members ng membership passes sa GETPASS app.
Mayroong ino-offerditong P50 sa day pass, P150 para sa isang linggong pass at P500 para sa isang buwang pass.
Ang COMET buses ay nag-o-operate mula Lunes hanggang Sabado pero hindi kasali ang mga holidays.
Ang unang trip ay aalis sa PITX dakong alas-6:00 ng umaga at Circuit Makati ng alas-8:00 ng umaga.
Habang ang huling COMET buses ay aalis sa PITX ng alas-5:00 ng hapon at dakong alas-7:00 naman sa Circuit Makati.