Isasara sa buong weekend ang ilang mga station ng Light Rail Transit Line 1 pagkatapos na magkaroon ng aberya ang isang set ng tren.
Ayon sa pahayag ng Light Rail Manila Corp. , isang second-generation LRT-1 train set, na ginagamit mula pa noong 1999, ang nakaranas ng mechanical problem habang nagmamaniobra mula EDSA station hanggang Baclaran station.
Ang nasabing problema ay nag-udyok sa pamunuan na magpatupad ng limitadong biyahe ng tren mula Fernando Poe Jr. (dating Roosevelt) hanggang sa mga istasyon ng Gil Puyat at pabalik, sa halip na ang karaniwang mga biyahe ng tren sa pagitan ng Baclaran at Fernando Poe Jr. station.
Sinabi ng Light Rail Manila Corp. na ang mga manggagawa ay magsasagawa ng karagdagang trabaho sa track para sa susunod na tatlong araw o hanggang bukas.
Ito ayupang matiyak na ang LRT-1 system ay nananatiling ligtas para sa mga pasahero.
Dagdag dito, isasara ng maintenance works ang Libertad, EDSA at Baclaran stations.
Idinagdag ng Light Rail Manila Corp. na ang mga southbound trips ay sa pagitan ng mga station ng Fernando Poe Jr. at Vito Cruz habang ang mga northbound trips ay mula Gil Puyat hanggang sa mga station ng Fernando Poe Jr.