-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel na dapat ay mag-inhibit bilang senate impeachment judges a ng mga kakampi ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na dapat husgahan na lamang ng publiko kung ano ang naging hatol nila sa impeachment.

Bawat senate impeachment judges ay mayroong karapatan na ihayag ang anumang kanilang saloobin base sa mga ebedensya na kanilang nakakalap.

Magugunitang marami ang nanawagan na dapat mag-inhibit ang ilang mga senador na kaalyado ni Duterte dahil sa tiyak ang magiging pabor sa bise ang hatol nila.