-- Advertisements --
Sasalubong sa mga Filipino ang taas presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa pagpasok ng 2024.
Ayon sa Department of Energy na ang dahilan ng nasabing pagtaas ay ang nagaganap na political tension sa Red Sea.
Isa na rin ang problema sa Panama at Suez Canals na nagreresulta sa mahabang biyahe kay nagkakaroon ng dagdag na konsumo sa mga oil tankers.
Bagamat hindi pa matiyak kung magkano ang maaring paggalaw sa presyo ng mga LPG ay pinayuhan ng DOE ang publiko na maagang bumili na ng kanilang mga LPG.