-- Advertisements --

Naging epektibo na ngayong araw ang dagdag presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa Petron Corp. na magtataas ng P2.25 sa kada kilo ang kanilang LPG habang mayroong P1.26 kada litro naman sa Auto LPG.

Ipinatupad ang nasabing taas presyo dakong 12:01 ng umaga.

Ito na ang magkasunod na buwan na tumaas ang presyo ng LPG.

Magugunitang noong unang araw ng Nobyembre ay tumaas ng P3.50 kada kilo ang LPG habang ang Auto LPG ay mayroong P1.96 per litro.