-- Advertisements --
Nagpatupad ng bigtime rollback ang Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga iba’t-ibang oil companies ngayong unang araw ng Hunyo.
Simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Hunyo 1 ay epektibo ang mahigit P6.00 na rollback ng kumpanyang Phoenix at Petron sa kanilang LPG products.
Mayroong P6.20 ang rollback ng kada kilo ng LPG o katumbas ng P68.20 sa bawat 11 kilogram ng cyclinder ng Gasul.
Habang ang Phoenix ay mayroong P6.10 na rollback o katumbas ng P67.11 sa kada 11 kilos na tangke.
Mayroong P6.18 namana na rollback ang Caltex o katumbas ng P67.98 sa kada tangke ng.
Kasabay din nito ay mayroong P3.47 na rollback sa kada litro ng Auto LPG ang kumpanyang Petron at Phoenix.