-- Advertisements --

Pinawi ng Pagasa ang pangamba ng mga residente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, ukol sa panibagong low pressure area (LPA).

Ayon sa weather bureau, malabo pa itong maging bagong bagyo sa loob ng mga susunod na araw.

Paliwanag ng mga eksperto, maaapektuhan ito ng malamig na temperaturang dala ng hanging amihan at iba pang weather system.

Gayunman, maaari pa ring maghatid ng mga pag-ulan ang LPA sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Maliban dito, wala pa namang nakikitang aktibong weather disturbance na papasok sa karagatang sakop ng Pilipinas.