-- Advertisements --

Asahan ang posibilidad na maulit ang bahang idinulot kahapon ng mga pag-ulan sa Luzon, lalo na sa Metro Manila.

Ito’y makaraang maging ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na nasa Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng bagong sama ng panahon sa layong 510 km sa silangan ng Baler, Aurora o 445 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.

May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis lamang na 10 kph.