-- Advertisements --
Malaki raw ang tiyansang maging ganap na bagyo ang binabantayan ng Pagasa na low pressure area (LPA) na nasa bandang Mindanao.
Ayon sa Pagasa, nasa 50 hanggang 70 percent ang tiyansa ng LPA na maging bagyo.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,695 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Posibleng sa Martes o Miyerkules sa susunod na linggo maging ganap na bagyo ang LPA na tatawaginng bagyong Jenny.
May posibilidad daw itong mag-landfall sa Northern at Central Luzon.