-- Advertisements --
Lumawak pa ang mga lugar na apektado ng low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 215 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Kabilang sa mga lugar na makakaranas ng ulang dala ng LPA ang Marinduque, Romblon, Quezon, Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Habang localized thunderstorm naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon sa mga susunod na oras.