-- Advertisements --
Inalerto ng Pagasa ang mga residente sa low lying areas dahil sa inaasahang pag-ulan dahil sa paglapit ng low pressure area (LPA).
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 280 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Partikular na maaaring ulanin ang Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Maliban kasi sa LPA, nakakaapekto rin ang hanging habagat na nagdadala ng makapal na ulap.