-- Advertisements --
Patuloy na magdadala ng ulan ang low pressure area (LPA) sa Mindanao, kahit papalayo na ito sa landmass.
Ayon sa Pagasa, makapal pa rin ang nahatak na ulap ng naturang namumuong sama ng panahon, kaya umaabot ang epekto nito hanggang Visayas.
Huling namataan ang LPA sa layong 100 km sa kanluran timog kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Inaasahan naman ang pagbuti ng panahon kapag ganap nang nakalayo ang weather disturbance formation.