-- Advertisements --
Patuloy na nagdadala ng ulan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa kanlurang bahagi ng ating bansa.
Huli itong namataan sa layong 75 km sa silangan hilagang silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Maliban dito, umiiral pa rin ang hanging amihan sa Northern Luzon.
Habang tail-end ng frontal system (shear line) naman ang nakakaapekto sa eastern section ng Southern Luzon.